March 6, 2008

buhay hudyo

Kelangan kong ipure tagalog 'tong entry ko kasi baka may makabasa (alam mo na). Naisip ko lang kasi na di ko pa pala naisshare ang buhay ng pagiging hudyo.

Sa mga di nakakaalam, tumira ako sa pamilya ng mga hudyo mula noong dumating ako dito sa Canada. Mga dalawang taon din yun. Naranasan ko ang kultura at paniniwala nila. Kung pano sila magdasal, kung ano ang bawal na kainin at kung ano ang pagkakaiba naten sa kanila which is sobrang laki. HIndi sila basta basta kumakain ng kung anu-ano lang. Kelangan "kosher" lang, na sobrang high maintenance kung iisipin mo. HIndi sila kumakain ng pork at sea shells (isama mo ang lobster, too bad!). Kung ikukumpara mo, mas mahal ang mga kosher foods na binibili nila kasi mas malinis daw pero kung matyaga ka lang, pwede mo naman linisin na lang ng mabuti makakatipid ka pa. HIndi pwedeng maghalo ang meat and dairy sa pagkain nila, meaning ang lasagna nila walang meat, puro cheese and vegetable lang. Pati gamit sa kusina hiwalay ang meat at dairy. Yung iba, hiwalay pa ang dishwasher ng meat at dairy. Madami silang paniniwalang hindi na nila maexplain saken kung baket nila ginagawa. Ang alam lang nila, lumaki silang ganun na yung nakikita nila kaya sinusunod na lang. Nagiging habit na lang siguro. Sila din ata ang pinaka madaming holiday sa lahat ng religion, halos every month meron. Sa bawat holiday na yun, laging may kainan. Sa opinyon ko lang, dun sa mga naobserve ko sa kanila, parang sinecelebrate nila lahat ng battle nung unang panahon. Ang pattern nila- fight then won tapos celebrate which is yung kainan. Pero sa totoo lang, mas kawawa ang mga babae sa kanila kasi sila lang lagi ang nagpprepare everytime na may kainan. Mga lalaki, kakain na lang.

Malamang nakakakita na kayo ng Hudyo sa paligid nyo. Pero nung nasa PInas pa ako, wala akong maalalang Hudyo na kilala ko. Ang alam ko, lahat sila mayayaman. Ang aim lang nila sa buhay ay makatulong ng mga mahihirap.

HIndi ako against sa kung ano man ang paniniwala nila, kasi ganun din sila. Sobrang complicated lang na pinahihirapan lang nila yung sarili nila minsan. Kumbaga, may short cut naman pero tine-take pa din nila yung long cut. Ewan, dun sila masaya eh!

Yung pamilyang tinirhan ko, sila na ata ang pinakamabait na pamilya sa buong mundo. Wala akong complain sa kanila, baka nga sila madaming complain saken. Haha.

No comments: